Skip navigation

Katext ko yung tropa ko, kapitbahay dun sa bahay namin (sa bulacan). And it seems they are having fun. Parang magkahalong tuwa at lungkot din yung nararamdaman ko, kasi nakakamiss e.

Ako kasi yung taong, akala mo walang problema, walang pake sa problema, yun bang pag nakikita mo e parang wala lang paki sa mundo.

Pero actually sinasarili ko lang lahat. Wala kasi ako masabihan talaga ng problema dati, walang nakikinig sakin ng maayos. Bakit? Kasi pag nagkukuwento ako ng problema , sinasabihan nila akong OA. Ewan ko ba. Kaya ayun. Sa mga panahong kailangan ko ng karamay, ako lang mag-isa tuloy. Nasanay ako sa sarili lamang.

Pero this summer, nagbago e.

Naging ka-close ko (para sakin ha) yung mga kapitbahay ko. Dati kasi, pag kasama ko sila tahimik lang ako, kahit nakakarelate ako sa mga kuwento nila. Di ko lang mashare yung akin kasi iniisip ko na hindi sila maniniwala. Pero ngayon kaya ko na magsabi ng mga problema at hinanakit ko sa kanila. At nagkakaintindihan naman pala kami.

Seryoso masarap sa pakiramdam yun, yung maglalabas ka ng saloobin mo. Kaso andun sila, at andito ako sa malayo para mag-aral. Nalulungkot ako na iwan sila, pero masaya din kase naging kaclose ko sila nang husto. Tapos may bago pa kaming tropa. Astig kasama. Napakaunique e. Kaso baka lumipat uli sila ng bahay. I’m feeling bad about that, but I can do nothing.

So ngayong panahon na nag-iisa nanaman ako. Ang hirap mag-adjust. Yung mga tropa ko kasi dito, kapag nagsasabi ako ng problema, parang hindi nakikinig, so, wala ako magagawa, sinasarili ko nalang. Atsaka nasabihan narin akong OA e. Kaya eto, habang walang nakikinig sa mga problema ko, isasarili ko nalang uli. Buti may blog. Dito ko nalang ilalabas.

Meron naman akong tropa na nakikinig talaga sa problema ko dito sa Baguio, pero too bad nasa ibang bahay siya nakatira, so minsan minsan nalang siguro kami magkakausap.

So ang tanging ginagawa ko lang dito for now, na wala pang pasok, e ang magtext, maglaro sa computer, magblog, PSP, etc. Gusto ko nga sana magtrabaho e, para medyo mawala yung nararamdaman kong loneliness dito. Mabigat sa dibdib sobra.

Gusto ko sana makita yung tropa namin na buo, at masaya kahit minsan lang. Naiiyak nga ako ngayon e, kasi umalis ako dun tapos kulang, di ko man lang nakita yung iba. Epic. Gusto ko makita ng buo bago ako umalis e. Tae nakakaiyak. Pero walang tumutulong luha sa mata ko. Epic.

So yun. Balik muna ako sa panunuod ng anime. Para matapos na at magluluto pa ako. At sa mga tropa ko, kahit di niyo mabasa to. Miss ko na kayo. Ingat. LOL. Andarama. Sige. :”>

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: